Psalms 93

1Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag. 2Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.

3Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong. 4Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat, si Yahweh na kataas-taasan ay makapangyarihan.

Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.

5

Copyright information for TglULB